Isang ngiti :) Sabi ni mama "umuulan ng malakas dito ngayon, baka di kami matuloy sa quezon". Sabi ko naman tawagan nyo doon para masabihan na baka pwedeng iresched nalang ang project. Mahirap bumiyahe dilikado. Masyadong zigzag ang daan. Nangamba ako, pero i know lahat ay magiging okey, have faith that's what I only hold. Dumating ang araw na dapat ng lumuwas.Pero bigla nalang huminto ang ulan tila talagang tuloy na tuloy na ang pagbisita sa bulubundukin ng quezon. For about 7 hours ang biyahe sa destination. Parang pumunta ka lng ng qatar na straight flight. Finally nakarating din. Di ko man nawitness ang exact na pangyayari pero sapat na makita ko ang mga pictures na ito. Isang ngiti na katumbas ang pagpapasalamat sa lahat ng tumulong. Isang ngiti ang katumbas at sapat na sapat na kapalit. Sabi ni mama nung umalis sila ung mga bata nakatanaw at kumakaway at walang tigil na pagpapasalamat ang naririnig. Di ko man narinig ang mga iyon pero ramdam ko. Ramdam ko na sa maliit na bagay na nagawa malaking kapalit sa buhay ng ibang tayo. Thanks be to God kasi nagsisilbing tulay tayo ng blessing sa mga batang katulad nila. Nakakagaan ng pakiramdam. Hindi maipaliwanag na kasiyahan. |
1 Comment
Ann
6/21/2012 04:11:34 am
thanks for helping other people in need :)
Reply
Leave a Reply. |
Author"Weather I'm painting or not, Archives
December 2014
Categories
All
|